Troma

Hindi ako nakapag net nung monday at tuesday. Pero eto ang nangyari:

Dumating ako ng maaga sa skul. 6:50am at 7am ang klase ko. Akala ko na lockan nanaman ako sa Hum2, dati kasi nalockan na ako, ngayon naman ako ang pinaka maaga. Bababa na sana ako nung makita ko ang kaklase kong si Sacki, ayon. Napahiya ako kasi sabi ko nalockan na kame. :)

Wala akong gana sa Physics, nakatulala lang ako, kumakain ng Skyflakes, kumukopya. May homework nga pala kame. Waa! Yun lang. Pumasok na ako ng Chem 18.1 pero wala si Sir Villarante. Hindi na ako nag stay duon sa lab kasi may exam kami sa SocSci at kailangan ko na mag aral at kumain at mag aral. :)

Pumunta ako sa kondo at syempre andun ang boypren kong si Ken. Hindi kame pede mag lambingan kaya hanggang kulitan nalang kame. He-he! Nakapag aral naman ako ng konte. :) Pumasok lang ako sa SocSci saglit at bumalik din sa Condo. Naghihintay ako ng 4pm dahil may activity sa ProPharm.

Sabay kame umuwi ni Ken at nagalit sya sa akin nung pinaghintay ko sya. Nag away kame pero naresolbahan naman bago kame matulog. :)

 

Martes

Wala kaming pasok sa Com3 at hindi ako pumasok ng Chem 18 namin dahil sinamahan ko si Ken sa skul namen — Woodridge. Ayon kay Yayi, sabi ni Sir Robidillo, “last time ikaw, ngayon si Mara naman ang wala..”  :) Funny, napansin nya na kulang ang studyante nya.

Pumasok ako ng Philo I at nakatulala, nagbabasa, at kung anu anu pa ang ginagawa. Andun kasi kami sa likod nakapwesto kaya wala akong gana. Pumunta nanaman ako sa Pharm pagkatapos. May activity nanaman kame. Moment Of Truth na sa Sabado. :)

Sabay nanaman kame umuwi ni ken na pumunta sa TUP para kumuha ng request. :) Natambay pa yung lalakeng yun at may dalang school paper at pamaypay. Tsk tsk. Yung pamaypay daw galing sa gf ni Jerardo daw na kilala daw ako pero hindi ko kilala. Kinuha ko yung paypay. Haha!

 

Wala akong pasok ngayon pero may test ako sa Philo at homework sa Physics.. Pero eto ang ginagawa ko. Aalis pa kami ni Ken mamaya, pupunta sa school. :)

8.1

Dahil sa sobrang ganda ng “panaginip” at pagpupuyat ko nung Huwebes ay hindi ako nakapasok ng PE ko. 8:00am na ako nagising at 8:30 ay dapat nandun na kami sa badminton court.

Umalis nalang ako dito sa bahay ng 9am. Pagdating ko sa tulay ay nakita ko pa ang kaibigan-kababata kong si Ruan. Nagstay ako sa may mga trike hanggang 9:25

Dumating ako sa skul ng 10:30 at pumunta sa library. Nakatanggap ako ng text message mula kay Sir Vinzons ng Philo I. Sabi wala daw kaming pasok sa Philo. Oo nga pala, may rally sa araw na yun. Bago mag 11:30 ay pumunta na ako sa room namin sa Comm3. Buti nalang wala kaming test. Kinakabahan ako, nakakailang bagsak na ako sa test namin.

Habang naglelecture si Burn, dumating na ang mga raliyista na nag aayang mag walkout sa klase. Nilock namin ang pintuan habang nagiingay ang mga anakbayan sa hallway. Papalabasin sana kami ni Burn kaso wala kaming meeting next week dahil aalis sya. He-he sayang!

Chem 18 na. Lalabas na ang sa nakaraang DepEx. Kinakabahan ako.

Lalo ang kinabahan nung sinabing natuwa si Sir Robidillo. Ang kablock ko na si Jo ay naka 59.5/60. Ang mga katabi ko, puro pumasa. Nung narinig ko yung pangalan ko — na kinumpleto talaga ni Sir, na excite ako. Pero mali, dapat ay hindi dahil bumagsak ako. 29/60. Nakakainis. Sayang. 50% kasi ang passing. Bagsak ako sa unang DepEx. Ang mga kaklase kong nagtake ng Chem14 nung summer ay pumasa din. 32/60 at 30.5/60, yung isa naman na kasama kong nag remove ay bumagsak. Mas mababa pa daw sakin at sya yung hindi ko pinapansin.

Masaya parin ako dahil nataasan ko yung hindi ko pinapansin at yung half-boy - half-girl ko na kaklase. Nakakainis kasi sila. Di bale, babawi ako sa susunod na Dep. Ipapasa ko yun! :(

Wala akong naramdamang lindol na 8.1 daw. Excited pa naman ako pumunta sa ilalim ng lamesa. Talkshit sila, talkshiiiit!!

Umagang kay GANDA

Gumising ako ng mga lagpas 5am. Umalis ako sa bahay namin bago mag 6am, nagbabakasakaling maabutan ang bus ng Supreme Court dahil kahit kailan ay hindi ko pa yun natye2mpuhan. Naabutan ko naman yun at nakasakay sa van papuntang Baclaran Savers.

Nakarating naman ako ng Baclaran Savers ng matiwasay, yun nga lang pinaglakad kami ni manong drayber. Natatakot akong maleyt nuon kaya naglakad na ako. Pag akyat ko ng LRT/MRT, nakasalubong ko ang kaklase kong si Aby. Wala daw tren dahil may sunog sa Libertad - Puregold Mall. Sa Gil Piyat pa daw magsasakay ang tren.

Buti naman at nakita ko sya dahil sya ang kasabay kong sumakay sa dyip, makipag gitgitan, makipagsiksikan, at ang kakwentuhan ko habang trapik pa. Dumating kami ng Gil Puyat, pumila, pero wala ring napala dahil bumaba din ang mga tao. Tumawid kami sa oberpas at naghintay ng bus. Sobrang late na kami. Dumating kami ng 7:50am sa room namin sa Humanities II.

Second Subject ko na pero wala parin text si Ken-Ken. Physics na, baka tuksuhin nanaman ako na kamukha ko si Mam Johnson. Huhu! Ayoko talaga, hindi ko tayp. Makapal lang ang kilay nya at kilay ko pero hindi, hindi, hindeeee! :( Akala ko may test sa Physics, wala naman pala. Nagaalala na ako dahil marami na kaming iki quiz. Baka bumagsak ako. Waa!

Okay talaga ang Prof namin sa Chem 18.1 na si Dr. Lirazan, mabait na, hindi pa strikto, nagbibigay pa ng sagot, maaga pa magpalabas. Atlis hindi nya gustong bumagsak kami. :) Kay Villarante na kami sa Lunes, team teach kasi silang dalawa. Experiment 7 na kami. Halaa. Sana maaga din magpalabas si Sir para makakain pa ako ng lunch. Sunud-sunod kasi ang klase ko, 7-2:30pm. hehe.

Magtetest na kami sa SocSci I, wala pa akong natututunan. Ang ingay ng kasama naming block ng Dentistry, mahilig talaga silang sumagot, ayan tuloy wala akong maintindihan sa sinasabi ni Sir dahil sa ingay.

Yeh

Wala akong pasok ngayon. Kada Wednesday ay wala talaga akong klase. Marami sana akong plano para sa araw na ito. Magbabasa ako ng readings sa Philo I, mag aaral ako para sa Physics 51, magbabasa ako ng readings sa SocSci I…

…pero dumating ang aking boypren na si Ken. Ayun, syempre para sa akin mas gusto kong makipag harutan, makipag landian at makipag kwentuhan kay Ken kesa mag-aral. Ha-ha! Bad Ass!

Kaya ang nangyari, nakipag kulitan nga ako kay Ken. Nakipag kulitan din si Ken sa kapatid kong si Nica at sa inaanak namin na si Chichay. Pumunta kami ng hapon sa SM para maghulog ng pera (pinapahulog ng kasama namin sa bahay), manuod ng sine (Journey to the center of the earth), mag lakad-lakad, mamili at mag window shop. Dahil nga araw ko ngayon, naglakad kami ni Ken mula tulay hanggang bahay. :)

Umalis si Ken dito ng mga 7:30pm. Syempre masaya ako, hindi sya pumasok, nagstay lang sya dito kasama ko. :) Aylab HIM. Ha-ha!!

Ngayon naman, mag te-ten na ng gabi, hindi pa ako nakakapag-aral sa Physics 51. Kaya tatapusin ko na itong post na ito —-

Protected: Happy Birthday Ken!

This post is password protected. To view it please enter your password below:


Katapusan ng unang semestre

Enrolment na ng ibang pang mga unibersidad, nakapag enrol na ang iba kong mga kaklase nung hayskul. Ako, eto, simula palang ng bakasyon. Kung bakit pa kasi na ekstend ang sem ng UPM.

Halos wala narin akong bakasyon. Kukuhanin ko pa ang mga klaskards ko at mag eenrol pa ako. Pero alam ko, simula na ng mga araw kung saan wala akong alawans at pagkakasyahin ko ang kaunting pera na natitira sa aking pitaka. Ha-ha! Okay na rin ito, kasalanan ko eh, hindi ako nagtipid nung mga araw na may pasok pa.

Namimis ko ang mga araw kung saan pwede pa akong gumala pagkatapos ng klase, kung saan makakalabas pa ako ng bahay ng walang inaalala, kung saan hindi ko kailangan mag-aral ng maigi — ang aking hayskul layp .

Nakakapagod pala. Nakakapagod palang bumiyahe araw-araw simula pa-Kabite to Maynila. Mantakin ba naman, lagpas ng alas-sais ng gabi ako dadating dito sa bahay. Syempre, natagtag ang utak ko sa dalawang oras na byahe. Magpapahinga hanggang sa makatulog at magigising ng gabi, kakain, makikipagdaldalan — at pagdating na sa pag-aaral, oras na para matulog. Alas kuwatro ng umaga, kailangan gising na. Kadalasan, limang oras lang ang tulog ko. Hindi maiwasang antukin habang nasa klase. Hindi maiwasang yumuko. Teka, teka.. tamad nga pala ako.

Hindi ko napansin o hindi ko pinansin na ang pagiging isang kolehiyala ay iba sa pagiging isang hayskul student. Nangangailangan pala ito ng pag-aaral ng maigi at pagiging focused. Ang pag-aaral pala ay kailangang pinagbibigyan ng pansin.

Hindi ako nakapag adjust ngayong semestre. Nahirapan parin ako sa skedyul ko. Naapektuhan parin ang mga grado ko. Pero eto, babawi ako sa susunod. Sa Nobember Tuwelb. Bagong semestre, panibagong mga pagsubok. Hay, alam ko, hindi pa katapusan ng mundo para sa akin. May pag-asa pa ako. Kaya ko to. :)

Walang kinalaman si ken sa lahat ng ito. Kasalanan ko ito dahil hindi ako marunong ng taym maneyjment at hindi ako marunong dumisiplina sa sarili ko.  Alam ko, kaya ko tong pagsabayin — kaya kong sumaya kasama sya at mag-aral ng mabuti. XD